Tungkol saan ang inyong katanungan?

Pumili po sa mga sumusunod:

Ano po ba Dominant CZ?Ang Dominant CZ ay isang genetics company sa Czech Republic, Europe. Mula 1989, sila ay supplier ng matitibay at produktibong manok base sa Heritage Lines ng Europe. Hindi po ito pangalan ng manok.Ang company na ito ay nag-po-produce sa pamamagitan ng natural breeding selection (na walang GMO) para mag-produce ng unipormeng lahi ng mga manok na base sa European Heritage Lines katulad ng Rhode Island Red, Rhode Island White, Sussex, White Leghorn, Brown Leghorn, at Barred Plymouth Rock.Ang genetic program ng Dominant CZ ay base sa siyensa (scientific-based) na nagsisiguro na ang kalidad ng lahi ay maganda at produktibo.Sa pamamagitan ng wastong genetic selection, ang Dominant CZ ay nakakapili ng matitibay at produktibong mga manok na sanay sa mainit na lugar at hindi first class ang pakain. Samakatuwid, sanay rin po sila sa free-range chicken farming.Sa level ng Certified Parent Stock (PS) o Breeders ay na-select ng experto sa genetics ng Dominant CZ ang auto-sexable lines. Ang ibigsabihin po nito ay, sa pagpisa ng sisiw sa unang araw pa lamang, malalaman na ang kasarian ng babae o lalaki.Uniporme ang resulta sa mga sisiw sa kulay, sa gagastusin sa feeds, at sa performance — kung aalagaan at pakakainin ng maayos.

Ano po ba ang free-range poultry farming?Ang free-range farming ay isang method ng poultry farming kung saan ang mga alaga ay pinaaalpas sa isang netted, open area ng at least 6 na oras kada isang araw.Pinapakain din po ng commercial at supplementary feeds ang mga ito upang maging produktibo. Ang mga F1 ang pinagagala upang ang produktong karne at itlog ay "value added" at mas mataas ang presyo kesa sa ordinaryong commercial eggs.Gusto ko pong maging Certified Breeder Farmer ng Dominant CZ. Paano po?Ang pinakaunang requirement po sa pagiging isang Certified Dominant CZ Breeder Farmer ay ang pagkumpleto ng Module 1 at pag-enroll sa Module 2 at 3. Kapag na-meet na po ang requirement na ito, maaari na pong mag-order ng Parent Stocks.- Para mapanood ang Module 1, paki click o tap po dito.
- Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Module 2 at 3, paki click o tap po dito.
- Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Parent Stocls, paki-click o tap po dito.](#ps)
Ang pagkaroon po ng Breeder Certificate ay by request. Kapag natanggap niyo na po ang inyong Parent Stock breeders at nasa 90 days na edad na po sila, maaari na po kayong mag-request ng certification. Magbibigay po kami ng karagdagang impormasyon tungkol sa pag-request ng certification kapag natanggap niyo na po ang order niyo ng Parent Stocks.

Sino po ang makakausap ko kapag mag-se-send ako ng message sa Dominant Asia Pacific Facebook Messenger?Ang Facebook Messenger po namin ay hinahawakan po ng isang team. Paminsan-minsan po ay ginagamit din po ito ni Dr. Erwin Cruz at Ma'am Cristina Cruz.Kung mayroon po kayong concerns na kinakailangan ang kanilang atensyon, i-notify niyo lamang po ang team via Facebook Messenger at i-fo-forward po nila ang concerns ninyo.Saan po ang location ng farm ninyo?Nasa Rizal province po ang farm namin.Puwede po bang bumisita sa farm ninyo?Hindi na po kami tumatanggap ng mga bisita sa farm dahil po sa biosecurity at, ngayon, dahil na rin po sa COVID-19 pandemic.Interesado po akong magalaga ng manok. Puwede po bang makahingi ng payo para sa mga baguhang tulad ko?Irinerekomenda po namin ang pag-attend sa mga seminar ni Dr. Erwin Cruz para mas maintindihan ang programa.Kung interesado po, puwede niyo pong simulan sa Module 1. Ito po ay naka-share sa YouTube at puwede pong panoorin ng lahat nang libre. Paki click po o tap po dito para mapanood ang Module 1.Ang Modules 2 at 3 po ay by enrollment.Para sa karadagang impormasyon tungkol sa mga seminar, Paki click po o tap po dito para mabisita ang section ng FAQs na patungkol sa online seminars.

Libre po ba ang mga seminar?Ang Module 1 po ay shared sa YouTube at puwede pong panooring ng lahat ng libre. Paki click po o tap po dito para mapanood ang Module 1.Ang Module 2 at 3 ay by enrollment po.Module 2Title: "A Doable, Replicable, and Sustainable Free-Range Chicken Farming Program Utilizing Scientific Methods Customized for Small and Medium Scale Farmers"Topic: Free-Range Chicken Farming Program for Table Egg & Chicken Meat ProductionKabuuang Tagal: 8 hoursFee: PHP 2,500Module 3Title: "The Vital Role of Correct Genetics
and A Doable, Science-based Breeding Management Program Towards Sustainable Farming"
Topic: Breeding Program for F1 ProductionKabuuang Tagal: 6 hoursFee: PHP 2,500Kung mag-enroll ka para sa parehong Modules 2 at 3, makakakuha ka ng PHP 700 na discount. Magbabayad ka LAMANG PHP 4,300 sa halip na PHP 5,000.May dagdag na PHP 200 na discount para sa maagang mag-enroll – bayad na lang ng PHP 4,100 imbes na PHP 4,300! 🎉Mga Kasama sa Bayad
- 7 araw na access sa mga pre-record na lecture video sa pamamagitan ng eksklusibong Facebook group.
- Seminar kit (guides, manuals, health program, brochures, etc.)
Tandaan: Ang ₱700 na discount ay para lamang sa sabayang pag-enroll sa parehong Module 2 at Module 3 bilang bundle. Kung mag-e-enroll lamang sa Module 2 o sa Module 3, makukuha pa rin ang Early Bird discount, ngunit hindi ang bundle discount.Kailan po ang susunod na schedule para sa Module 2 at 3?November 22, 2025 - Module 2
November 29, 2025 - Module 3
Sinusubukan namin na bawat buwan ay may schedule ng online seminars. Ngunit ito ay hindi guaranteed. Mag-post kami sa aming Facebook Page kapag mayroon na ulit na panibagong schedule.Gaano katagal ang bawat seminar?Ang Module 2 po ay nasa mga 8 na oras at ang Module 3 naman po ay nasa mga 6 na oras.Ang live Q&A session kasama po si Dr. Erwin Cruz ay nasa mga 1 hanggang 1.5 na oras.Ano ang gagamitin sa mga seminar? Sa Zoom ba ito?Mapapanood ang mga pre-recorded lecture video gamit ang isang exclusive Facebook group. Hindi po live ang mga seminar.Kung enrolled, i-se-send ang link ng Facebook group sa inyo via Facebook Messenger isang araw bago magsimula ang seminar para makapag-send po kayo ng "request to join" sa group. Isasama po kayo sa group sa umaga ng seminar.Hindi ako makakasama sa mga seminar sa binigay niyong schedule.
Puwede bang ang asawa/business partner/taga-alaga ng farm ang mag-attend para sakin?
Opo, puwede po. Alalahanin lamang po na ang certificate ay ipapangalan sa taong mag-a-attend at magkukumpleto ng module.Hindi po ako makakasama sa mga seminar sa binigay niyong schedule.
Posible po bang maka-attend ako sa ibang araw o oras?
Opo, puwede po. Ang seminar date ay unang araw lamang po ng access sa mga seminar. Lahat po ng participants ay bibigyan ng 7-days access sa mga pre-recorded seminar lectures.Maaari niyo pong panoorin, ulitin, aralin, at balikan ang mga lecture video kahit ilang beses sa sarili niyong oras.‼️ Paano po ako makaka-enroll sa Module 2 at 3?Maaari po kayong mag-register gamit ang aming Google form. ‼️ Paki click o tap po dito para mabuksan ang REGISTRATION FORM.Sagutan niyo lamang po ang lahat ng tanong sa form at pindutin ang "submit" kapag tapos na po.Diyan niyo rin po sa link mahahanap ang lahat ng impormasyon tungkol sa presyo, mga inclusion, kung saan ipapadala ang bayad, etc.Gaano po katagal ang validity ng seminar certificates ko?Ang mga seminar certificate po ay valid para sa pag-book ng Parent Stocks hanggang 2 taon simula sa petsang nakasaad sa inyong certificate.Patuloy po namin ini-improve ang aming modules. Kapag mayroon pong updates o bagong impormasyon, ito po ay aming isinasama sa updated lectures. Kung ano po ang best practice sa ngayon ay posibleng hindi na po pagkalipas ng dalawang taon.Pwede po ba akong makahingi ng refund para sa binayaran ko para sa modules?Non-refundable po ang payment sa enrollment sa seminars.

Aming ipinapaalam para sa lahat po ng gustong maka-attend sa seminars at sa lahat ng nakapag-attend na po ng seminars:Ang mga seminars ay HINDI po ginawa para sa breeder orders.Ang seminars po ay ginagawa na ni Doc simula pa 1997 at naikot na po niya ang buong Pilipinas long before nagkaroon ng distribution ng parent stock. Ginawa lamang po na requirement ang completion ng seminar modules simula mga 3-4 years ago dahil sa nakita po ng aming buong team na maraming nagkakaroon ng errors sa kanilang breeding at nasasayang ang pera dahil lamang hindi alam o mali ang alam sa ginagawang breeding program. Ang pag-require po ng seminars bago makapag-avail ng PS ay para sa pare-parehas na proteksiyon ng programa, ng breeder farmer, ng f1 farmer, ng buong komunidad ng smallholder free-range poultry farmers, at ng genetic supplier. Simula po nang maging requirement ang completion ng seminars ay mas marami na po ang naging successful na breeder farmers at nakakatulong na sa kanilang komunidad nationwide.The seminars were created to create awareness and have a better understanding of Doc Erwin's program. Para maintindihan po ang programa ng maigi. Saka po mag desisyon kung ito ay para sa inyo, kung kaya gawin, kung committed gawin, at kung ano ang farming na akma at kayang gawin. Magdesisyon lamang po kung naiintindihan ang programa.Hindi po dapat na mag-e-enroll sa seminars para lamang makakuha ng PS breeders, mali po ito at hindi po ganito ang ina-advocate ng programa. Kailangan po maintindihan at ma-identify ang direksyon ng farmer na tutulong sa kanya na makapag-desisyon kung gagawin ang farming, mapa-breeding man o free-range chicken production.


Ano po ang F1?Ang F1, o Filial 1, ay ang certified first generation offspring ng Parent Stocks. Ang F1 ay ginagamit para sa produksyon ng itlog (mga babaeng F1 o layer type) at karne ng manok (mga lalaking F1 o inasal type).Anu-ano po ang mga iba't ibang uri ng F1?Layer type
- pang produksyon ng itlog, inahing manok/babaeng manok
- magkakahalong kulay ng itlog, madalas ay brown at cream
- nangingitlog simula 4.5 buwang edad
- 290 hanggang 300 na itlog sa bawat siklo
Inasal type
- pang produksyon ng karne, tandang/lalaking manok
- malusog, matibay at akma sa pang bakurang manok o free range
- ang karne, itsura, at lasa ay kahaling tulad ng native chicken ngunit mas mabilis ang pagkalaki
- 1.4-1.6 kilos (live weight) sa loob ng 70 araw
Dual Purpose type
- inahin na pang produksyon ng itlog
- tandang na pang produksyon ng karne
- magkakahalo, hindi makakapamili kung inahin o tandang
Puwede po bang gamiting pang-breed ang F1?Hindi po namin nirerekomenda ang paggamit ng F1 bilang breeders sa dahilan na magreresulta po ito sa inbreeding.Kapag nag-inbreeding po sa mga manok, mas tataas po ang tsansang magkaroon ng sisiw na: abnormal, mahina ang resistensya, bansutin, non-productive, hindi feed efficient o malakas kumain ngunit kaunti ang egg production at meat conversion, at iba pa.Paano po ako makaka-order ng F1?
Ang F1 na sisiw ay hindi po available sa amin sa ngayon at maaari kayong magtanong sa mga certified breeder farmers na maaari niyong pagkuhanan. Paki click o tap po ito para mapuntahan ang listahan ng official Certified Breeder Farmers ng Dominant Cz ng Dominant Asia.

Ano ang Parent Stocks?Ang Parent Stocks, o PS, ay ginagamit para sa pagpaparami ng manok. Ang PS ay selected mula sa pure lines para makamit ang maximum productivity ng manok sa pinakamurang halaga ng pagpapalaki at para maganda ang kikitain ng farmer.May mga requirement ba para maka-avail ng Parent Stocks?Ang basic requirement sa pag-avail ng Parent Stocks ay ang pagkumpleto ng Modules 1, 2 at 3. Para sa karagdagang impormasyon sa mga module, paki click o tap dito para mapuntahan ang section ng FAQs na patungkol sa online seminars.Alalahanin lamang na ang certificates of completion ng mga seminars ay valid para sa pag-avail ng Parent Stocks hanggang 2 na taon simula sa petsang nakasaad sa certificate.Kailan ako maaaring mag-order ng Dominant Cz Parent Stocks?Ang susunod na TARGETED na importation ng Dominant Cz Parent Stock breeders (PS) ay sa January-March 2024.Kung nakatapos na sa required seminar modules at nais na mag-order ng PS, ipadala ang mga sumusunod sa aming messenger or email.Paki-send ang mga sumusunod sa aming messenger o email:1. complete name
2. city and province
3. contact no/nos.
4. seminar date ng module 2 - REQUIRED
5. seminar date ng module 3 - REQUIRED
6. email address
messenger: Dominant Asia Livestock Genetics
email: [email protected]
Maaring bisitahin ang site na ito para sa aming updates and announcements.Ano ang mga available na breed lines ng Dominant Cz?



Para sa H&N Parent Stocks
Paki click o tap po dito para pumunta sa section ng aming FAQs tungkol sa H&N Parent Stocks (breeders).

Ano ang Parent Stocks?Ang Parent Stocks, o PS, ay ginagamit para sa pagpaparami ng manok. Ang PS ay selected mula sa commercial pure lines para mabigay ang maximum productivity ng manok sa pinakamurang halaga sa pagpapalaki para maganda ang makukuhang kita ng farmer.May mga requirement ba para maka-avail ng Parent Stocks?Ang basic requirement sa pag-avail ng Parent Stocks ay ang pagkumpleto ng Modules 1, 2 at 3. Para sa karagdagang impormasyon sa mga module, paki click o tap dito para mapuntahan ang section ng FAQs na patungkol sa online seminars.Alalahanin lamang na ang certificates of completion ng mga seminars ay valid para sa pag-avail ng Parent Stocks hanggang 2 na taon simula sa petsang nakasaad sa certificate.Ano ang available H&N Parent Stocks na maaari kong i-order?Ang H&N Parent Stocks ay hindi available for booking sa ngayon.Kami po ay magbibigay ng updates dito sa site kapag maaari na muling tumanggap ng bookings para sa H&N PS.Ano ang mga available na breed lines ng H&N?



Saan po makakabili ng farm equipments katulad ng feeder trough, bell drinker, galloner, plastic slats, etc.?Ms. Maritess Baladjay
Facebook page: M. Baladjay Trading
Contact numbers: 0929 270 5625 / 0921 703 3382
Saan po makakabili ng incubator at hatchery equipments?Mr. Hubart Ebalde
Facebook account: Trabz Baldz
Contact number: 0999 941 3682

Saan po makakabili ng probiotics, veterinary vitamins & medicines, dewormer, disinfectant, etc.?Ang aming ginagamit po sa farm ay ang mga sumusunod: Nutrizyme-P, Adectrol, Calferol, Trimedine, ProGastro, Litter Odor Buster.Lahat po ng nabanggit sa itaas ay maari naming isabay sa aming pag-order at maipadala sa inyo. Paki fill up lamang po ang aming Google form kung nais mag-order. Paki click o tap po dito para mabuksan ang form.Saan po makakabili ng vaccines o bakuna?Ang mga bakuna ay kadalasang available sa mga mga poultry supplies na authorized mag-distribute katulad ng mga sumusunod:KAAGPAS, INC.
Facebook page: KAAGPAS, INC. Kasama Agri Products and Services
Contact numbers: +63 2 85358062 / 0999 227 0822
Location: J.P. Rizal St., Brgy. Malanday, Marikina City
Progressive Poultry Supply
Facebook page: Progressive Poultry Supply
Contact number: +63 2 3723 636
Location: EDSA near Veterans Village, Quezon City
Pacifica Agrivet Supplies, Inc.
Facebook page: Pacifica Agrivet Supplies, Inc.
Website: www.pacificaagrivet.com
Locations: Nasa mga probinsiya nationwide
Saan po makakabili ng EM-1?Harbest Agribusiness Corporation
Facebook page: Harbest Agribusiness Corporation
Contact number: +63 2 8671 7411
Website: www.harbest.com.ph

Paki click o tap po dito para mapuntahan ang link ng mga breeder certificates sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Maaari niyo pong hanapin ang certified breeder farmer na pinakamalapit sa inyong lugar.Due diligence lamang po at alamin kung ang breeder farmer ay sinunod ang breeding program ni Dr. Erwin Cruz. Kung interesado po ay attend po ng seminar modules ni Dr. Erwin Cruz para naiintindihan niyo po ang programa at maiintindihan niyo rin po kung ang inyong source ay tama rin ang programang ginawa.Para sa karagdagang impormasyon, paki click o tap po dito para mabisita ang section ng FAQs patungkol sa mga online seminar.


Interesado rin po bang maging Certified Dominant Cz Breeder Farmer?Ang pinakaunang requirement po sa pagiging isang Certified Dominant CZ Breeder Farmer ay ang pagkumpleto ng Module 1 at pag-enroll sa Module 2 at 3. Kapag na-meet na po ang requirement na ito, maaari na pong mag-order ng Parent Stocks.- Para mapanood ang Module 1, paki click o tap po dito.
- Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Module 2 at 3, paki click o tap po dito.
- Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Parent Stocls, paki click o tap po dito.
Ang pagkaroon po ng Breeder Certificate ay by request. Kapag natanggap niyo na po ang inyong Parent Stock breeders at nasa 75 days na edad na po sila, maaari na po kayong mag-request ng certification. Magbibigay po kami ng karagdagang impormasyon tungkol sa pag-request ng certification kapag natanggap niyo na po ang order niyo ng Parent Stocks.